Waaaaaaa!

Aminado naman ako na takot ako sa multo eh. E bat ako pa? Nakakapraning na tuloy. LOLO, papakabait na ko, kay kuya ka nalang paramdam close naman kayo. joke. :D Well, matagal ng patay lolo ko tapos this year lang nagparamdam sakin. Alam naman na duwag ako eh. :’( Twice na ng nangyayari. 

Feb 21, 2012  Lolo’s Death Anniversary

Tuesday yung araw na yan kaya nakauniform ako, hanggang 5 yung pasok ko. So napagusapan na sa bahay ako ng lola ko kasi naghanda sila. Dahil sobrang init na init ako pagkauwi naisipan ko magbihis. Papunta na ko sa kwarto nung pinihit ko ung door knob nakalock tapos sinabi ko kila mommy tapos nung pinihit ko uli bumukas na sya. Sabi nila mommy di daw yun sira tapos pagkapasok ko sa loob amoy pabango ng lolo ko. Gaaad. Di ko alam kung praning o umamoy talaga un.

May 26, 2012 Lolo’s Birthday

Maaga kami pumunta sa bahay ng lola ko kasi tutulong si mommy sa pagluluto tapos pupunta kami ng cemetery. Mga around 8:00 nung natapos kami mgbreakfast nandun kami sa dirty kitchen naupo ako tapos after ilang minutes nahulog ung takip ng hindi ko alam kung ano. Tapos nagkatinginan kami ni mommy tapos bigla nyang sinabi “Di naman hinangin eh, baka lolo mo yan.” Shit. Napatakbo ko paalis ng upuan. Tapos later on nagyaya na ko sa cemetery baka natagalan si lolo samin kaya sya na ung bumisita.